- Para sa ibang mga gamit, tingnan ang Organo (paglilinaw) at menudo (paglilinaw).
Sa
biyolohiya, ang
organo o
laman-loob (
Ingles:
organ;
Latin:
organum, "kasangkapan, instrumento") ay isang grupo ng mga
tisyu na nagsasagawa ng isang tiyak na tungkulin o grupo ng mga tungkulin. Pangkaraniwan na may pangunahing tisyu (Ingles:
main) at mga nakakalat (Ingles:
sporadic) na mga tisyu. Ang pangunahing tisyu ay natatangi lamang para sa isang organo. Halimbawa, ang pangunahing tisyu sa
puso ay ang myocardium, habang ang mga nakakalat na mga tisyu ng puso ay ang mga tisyung nerbyos,
dugo, panikit na tisyu, at iba pa. Tinatawag ding
menudo o
minudo ang mga organo o laman-loob ng mga hayop.