Ang mga
posil (Ingles:
fossil) ay ang mga nananatili o natinggal na mga labi o bakas ng mga hayop, halaman, at ibang mga organismo mula sa malayong nakaraan. Tinatawag din itong mga
nagbatong buto. Nagmula ang katawagang
fossil sa Ingles mula sa
fossus ng
Latin na nangangahulugang "nahukay." "Tala ng mga kusilba" o "rekord ng mga nagbatong buto (posil)" ang taguri sa kabuoan ng mga kusilba, kapwa mga natuklasan at hindi pa natutuklasan, at ang kanilang pagkakalagak sa mga pormasyon ng mga batuhang posilipero o naglalaman ng mga kusilba, at gayon din sa mga patong ng mga batong sedimentaryo. Ilan sa mga pinakamahahalagang mga katungkulan ng agham ng
paleyontolohiya ang pag-aaral ng mga kusilba ayon sa mga panapanahon, kung paano sila nabuo, at ang mga kaugnayang pang-ebolusyonaryo sa pagitan ng
pilohenetika o
piloheniya ng mga
takson o
taksa (
taxon;
taxa).