Ang
kombustyon o
pagsunog ay ang proseso ng pagkasunog ng biglaan ng panggatong, o ang katayuan pagiging natutupok o nasusunog ng
apoy. Isa itong prosesong
kimikal, isang eksotermikong reaksyon sa pagitan ng isang sustansya (ang panggatong) at isang gas (ang oksidayser), kadalasang O
2, upang ipalabas ang init. Sa isang kumpletong reaksyong kombustyon, nagkakaroon ng reaksyon ang isang
kompuwesto sa isang elementong oksidiser, at ang mga produkto ay mga kompwesto ng bawat elemento sa panggatong kasama ang elementong oksidayser.