Sa
agham, ang
pagtalos o
pagkatalos o
kognisyon (Ingles:
cognition) ng
kaalaman ay isang pangkat ng mga prosesong
pang-isipan na kinabibilangan ng pagpansin (atensiyon),
alaala, ang paglikha at pag-unawa ng
wika, pagkatuto,
pangangatwiran, paglutas ng suliranin, at
pagpapasya. Sari-saring mga disiplina, katulad ng
sikolohiya,
pilosopiya,
lingguwistika, agham, at
agham na pangkompyuter ang nag-aaral ng pagtalos. Subalit, ang paggamit ng kataga ay nagkakaiba-iba sa kahabaan ng mga disiplina; halimbawa, sa sikolohiya at sa
agham na kognitibo, ang "pagtalos" ay karaniwang tumutukoy sa pananaw na isang proseso ng kabatiran ng mga tungkulin ng isang indibiduwal. Ginagamit din ito sa loob ng isang sangay ng
sikolohiyang panlipunan na kung tawagin ay kognisyong sosyal upang maipaliwanag ang
kalooban o paraan ng pag-iisip, atribusyon, at dinamika ng mga pangkat.