Ang mga
Katambal sa pagtatalik,
kasamahan sa pakikipagtalik,
kapareha sa pagtatalik, o mga
katalik ay mga tao na lumalahok sa
gawaing pampagtatalik ng isa't isa. Ang mga
kaparehang pampagtatalik ay maaaring may anumang
kasarian o
kamulatang pangkasarian. Ang mga
katambal na pampagtatalik ay maaaring nasa isang ugnayang may paninindigan, na maaaring pantangi o walang kaugnayan sa iba maliban sa kanila lamang na mga sarili o kaya hindi, o nakikilahok sa gawaing seksuwal na
pahapyaw lamang (hindi sinasadya o nagkakataon lamang). Maaari silang may
ugnayang matalik (na sa ganitong kaso ay kadalasan silang tinuturing na mga
magsing-irog o kaya ay hindi magkakilala (
anonymous sa Ingles), katulad ng sa kaso ng pakikipagtalik sa isang tao na hindi kakilala, sa isang tao na minsanan o isang pagkakataon sa loob ng isang gabi ng katagpo at ng kasiping, sa isang
patutot. Ang isang tao ay maaaring katambal sa
pagtatalik kahit na ang gawaing pampagtatalik ay labag sa batas, ipinagbabawal ng lipunan, o kaya kataksilan (kawalan ng katapan) sa isang iniibig. Ang isang tao ay maaaring mayroong mahigit sa isang katalik sa anumang ibinigay na panahon.