Ang
kasiyahan ng loob,
pagkakuntento,
kakuntentuhan, o
satispaksyon (Ingles:
contentment,
satisfaction,
fullness) ay ang karanasan ng pagkakaroon ng pagkapuno o kabusugan na may
kaginhawahan sa sariling sitwasyon, katayuan, o kalagayan. Tinatawag na
sapak o
pagkasapak ang pagpapadama ng buong-buong pagkakuntento. Dahil sa karanasang ito, nakakaramdam ang tao ng
kaluguran at
kasiyahan. Nakakaranas ng satispaksyon o
gratipikasyon ang isang tao kapag naisakatapuran na ang kagustuhan o dahil sa pagkakatanggap ng isang bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan, o maaari rin kapag
nakapagbayad-pinsala na ang isang taong dating nagkamali, nagkulang, o nagkasala.