- Tungkol ito sa "kasaysayan" bilang sa nakaraan. Para sa kuwentong makabuluhan, pumunta sa Salaysay. Tumuturo rito ang historya. Para sa istorya, pumunta sa Kuwento.
Ang
kasaysayan o
historya ay ginagamit bilang isang pangkalahatang katawagan para sa
impormasyon tungkol sa
nakaraan, katulad ng "heolohikang kasaysayan ng daigdig". Kapag ginagamit bilang pangalan ng isang pinagaaralang larangan, tinutukoy ng
kasaysayan ang pag-aaral at pagpapaliwanag ng mga nakatalang lipunan ng tao, mga panayam (binigkas na kasaysayan), at
arkeolohiya. Maaaring mga ibang paraan ang karaniwang ginagawa sa ilang panahon kaysa sa iba, at may mga uso ang pag-aaral sa kasaysayan (tignan
historiograpiya). Tinatawag na
bago ang kasaysayan ang mga pangyayaring bago Kadalasang sinasabi na nababalutan ng
kaalaman sa kasaysayan ang parehong kaalaman sa nakaraang pangyayari at maka-kasaysayang pag-iisip na kasanayan, dahil:
- Nakatutulong sa paghahanda para sa hinaharap.
- Nakatutulong upang malinang ating kasanayan at kaasalan.
- Nakatutulong upang malutas o lutasin ang kasalukuyang suliranin.
- Nalilinang ang pakikipagkapwa.
- Nakakatulong sa pag-intindi sa kasalukuyan.