Ang
kasarian,
tauhin, o
seks (
Ingles:
gender), sa karaniwang gamit, ay tumutukoy sa pagkakaiba sa pagitan ng mga
lalaki at ng mga
babae. Sinasabi ng
Encyclopædia Britannica na ang
pagkakakilanlang pangkasarian ay "pagkakakilala ng isang indibidwal sa pagiging lalaki o babae, na kaiba sa tunay na kasariang biyolohikal." Bagaman ang salitang
kasarian ay karaniwang ginagamit din bilang katumbas ng salitang
seks (Ingles:
sex), karaniwang itong tuwirang tumutukoy sa pagkakaibang
panlipunan sa loob ng mga
agham panlipunan, na tinatawag na
papel na pangkasarian sa mga agham
biyolohikal. Sa larangan ng
kasaysayan, na ang
peminismo ang lipunan ang nagtakda ng mga papel na pangkasarian, at walang batayang pam-biyolohiya. Maaaring tawaging mga
transhender o
genderqueer, sa wikang Ingles, ang mga taong nakadarama na ang kanilang mga tunay na katawan ay hindi kaakibat ng kanilang pagkakakilanlang pangkasarian.