Ang
karanasan ay ang kaalaman ng isang tao na nakukuha sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagay o gawain o pagpapanood ng ibang taong gumagawa ng isang bagay o ng isang gawain. Isa itong pag-aaral o pagkatuto sa pamamagitan ng mga gawa, galaw, o kilos. Ilang mga pangkat na
pangrelihiyon at mga paraan ng pagtuturo ang nagpapahalaga sa pagkatuto ssa pamamagitan ng karanasan. Halimbawa, kapag may isang taong nais matuto hinggil sa larong
ahedres, ang nag-aaral at ang nagtuturo ay maglalaro ng ilang mga laro ng ahedres. Sa pamamagitan ng pagkaranas ng mga
kamalian at pagkatuto mula sa mga mali, mas natututo sila sa halip na magbasa lamang tungkol sa paglalaro ng ahedres.