- Tungkol sa sakit bilang terminong medisina ang artikulong ito. Para sa hapdi, tingnan ang kirot.
Ang
sakit o
karamdaman ay anumang kalagayan na hindi pangkaraniwan sa
katawan o
isipan o kaya dahil sa
pagkabalisa o
kapighatian ng tao o kaya sa mga ibang taong kilala niya. Kung minsan maluwag na ginagamit ang termino para sa sugat,
kapinsalaan,
kapansanan, mga palatandaan ng sakit, hindi pangkaraniwan na asal, at mga pagkakaiba-iba ng pagkakayari at tungkulin. Sa ibang gamit ng termino, maaring tangapin ito na mga kaurian ng sakit.