Ang
pighati (Ingles:
sorrow) ay isang
damdamin, emosyon, o sentimyento. Ang
kapighatian ay mas masidhi o mas matindi kaysa sa
kalungkutan, at nagpapahiwatig ng isang kalagayan o katayuang matagalan. Gayundin, ang pighati - subalit hindi ang pagiging hindi masaya - ay nagpapahiwatig ng isang antas ng resignasyon (pagpapaubaya, pagbibitiw na at buong pag-sang-ayon na ng kalooban sa isang karanasan o pangyayari), na nagbibigay o nagpapahiram sa pighati ng kakaiba, hindi karaniwan, kataka-taka, at katangi-tangi nitong anyo ng pagkakaroon ng dangal. Inilalarawan din ang pighati bilang nasa gitna o nasa pagitan ng pagpunta sa pagkakaroon ng
kalungkutan (pagtanggap sa naranasan o pangyayari) at
pag-aalala (pagkabalisa, pagkabahala, pangangamba, o pagkabagabag, hindi pagtanggap sa naranasan o pangyayari).