- Huwag itong ikalito sa pang-ekonomiyang Matinding Panlulumo.
Sa mga larangan ng
sikolohiya at
sikyatriya, ang
depresyon na kilala sa Ingles bilang
Major depressive disorder (MDD), recurrent depressive disorder, clinical depression, major depression, unipolar depression, o
unipolar disorder ay isang
sakit sa pag-iisip na inilalarawan ng malawakang mababang mood na sinamahan ng mababang pagtingin sa sarili(nawala ang
pagpapahalaga sa sarili), kawalan ng interes o kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang mga gawain. Ang kumpol ng mga sintomas o sindromang ito ay inilarawan at inuri bilang isa sa mga diperensiya ng mood ng 1980
Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders. Ang salitang "depresyon" ay hindi malinaw. Ito ay kalimitang ginagamit upang tukuyin ang sindromang ito ngunit maari ring tumukoy sa ibang mga diperensiya ng mood o sa mababang mga estado ng mood na walang kahalagahang klinikal. Ang pangunahing depresibong diperensiya ay isang nakapipinsalang kondisyon na labis na nakaapekto sa pamilya ng pasyenteng meron nito, sa trabaho, sa pag-aaral, sa pagtulog, pagkain at sa kabuuang kalusugan. Sa
Estados Unidos, ang mga 3.4% ng mga indibidwal na may pangunahing depresyon ay
nagpapakamatay at halos 60% ng mga nagpapakamatay ay may depresyon o may iba pang diperensiya ng mood. Ang diagnosis ng pangunahing depresyon ay batay sa sariling karanasan ng pasyente, sa pag-aasal na iniulat ng mga kamag-anak o kaibigan at sa pagsisiyasat ng estado ng kaisipan ng pasyente. Walang pagsubok laboratoryo para sa pangunahing depresyon, bagaman ang mga doktor ay humihiling ng mga pagsubok para sa mga kondisyong pisikal na maaaring magsanhi ng parehong mga sintomas. Ang pinakakaraniwang panahon ng pagsisimula nito ay sa pagitan ng 20 hanggang 30 anos na may kalaunang sukdulan mula sa pagitan ng 30 hanggang 40 anos. Sa karaniwan, ang mga pasyenteng may depresyon ay ginagamit ng mga
antidepressant at sa maraming mga kaso ay ng
sikoterapiya o pagpapayo. Ang hospitalisasyon ay maaaring kailangan para sa mga kasong kaugnay ng kapabayaan sa sarili o malaking panganib sa sarili o sa ibang tao. Ang maliit na bilang ng mga pasyenteng may depresyon ay ginagamit ng elektrokonbulsibong terapiya. Ang panahon ng sakit na ito ay iba iba mula sa isang episodyong tumatagal ng mga linggo hanggang sa pang habang buhay na kapansanan na may paulit ulit na episodyo. Ang mga indbidwal na may depresyon ay may inaasahang maikling buhay kumpara sa mga wala nito sanhi sa isang bahagi ng pagiging marupok sa mga sakit at pagpapatiwakal. Hindi pa maliwanag kung ang mga antidepressant ay umaapekto sa panganib ng pagpapatiwakal ng mga indibidwal na umiinom nito. Ang pag-unawa sa kalikasan at mga sanhi ng depresyon ay nagbago sa loob ng mga siglo bagaman ang pagkakaunawang ito ay hindi pa kumpleto at maraming pang mga aspeto ng depresyon ang paksa ng talakayan at kasalukuyang pagsasaliksik. Ang mga minungkahing sanhi nito ay kinabibilangan ng sikolohikal, sikososyal, hereditaryo, ebolusyonaryo at mga biolohikal na paktor. Ang ilang mga uri ng pangmatagalang paggamit ng droga ay maaaring parehong magsanhi at magpalala ng mga sintomas na depresibo. Ang mga paggamot na sikolohikal ay batay sa mga teoriya ng personalidad, komunikasyong interpersonal at pagkatuto. Ang karamihan sa mga biolohikal na teoriya ng depresyon ay nakapokus sa monoaminong mga kemikal na
serotonin, norepinephrine at
dopamino na likas na matatagpuan sa utas at tumutulog sa pakikipagugnayan sa pagitan ng mga
neuron.