Ang
kaluluwa (Ingles:
soul,
spirit) ay tumutukoy sa
espiritu o
ispirito ng tao o isang nilalang. Binabaybay din itong
kalulwa (may isang titik na
u lang subalit mas pormal ang may dalawang
u na
kaluluwa) at maaaring tumukoy sa mismong nilalang o
tao. Tinatawag din itong
katao. Itinuturing din itong katumbas ng mga salitang
hilagyo,
multo,
bibit,
pangitain,
Diyos,
sentro,
ubod,
kalangitan,
modelo,
huwaran,
pagsasakatao (katulad na sa isang katangian),
katauhan, at
pinuno; maging para sa isang taong pinanggagalingan ng inspirasyon; at pati sa mismong damdamin ng tao. Sa kagamitan sa Ingles, tumutukoy din ang
soul sa bagay na may kaugnayan sa mga Negro o pang-taong maitim ang balat, partikular na ang sa tugtugin o awiting kilala bilang
musikang Soul.