Ang
kultura o
kalinangan sa pangkalahatan ay tumutukoy sa aktibidad ng
sangkatauhan. Sa isang payak na kahulugan, ito ang "kaparaanan ng mga tao sa buhay", ibig sabihin ang paraan kung paano gawin ang mga bagay-bagay. Iba't iba ang kahulugan ng
kultura na sumasalamin sa iba't ibang mga teoriya sa kaunawaan, o sukatan sa pagpapahalaga, sa aktibidad ng sangkatauhan. Sa iba, ito ang kuro o opinyon ng buong
lipunan, na maaaring makita sa kanilang mga
salita,
aklat at mga sinulat,
relihiyon,
musika,
pananamit,
pagluluto, at iba pa. Makikita ang 164 kahulugan ng "kultura" sa isang talaan sa
Culture: A Critical Review of Concepts and Definitions (Kultura: Isang Mapanuring Pagrepaso ng mga Konsepto at Kahulugan) nina Alfred Kroeber at Clyde Kluckhohn na nilimbag noong 1952.