Sa
taksonomiya ng larangan ng
biyolohiya, ang
lapi o
kalapian (
Ingles:
phylum [isahan] o
phyla [maramihan];
Griyego: ) ay isang kahanayang ng pagkakapangkat-pangkat na nasa antas sa ilalim ng
kaharian at nasa ibabaw ng
biyolohiya. Kinuha ang salitang "phylum" mula sa
phylai ng wikang Griyego, mga grupo ng mga angkan na naninirahan sa mga lungsod ng isinaunang
Gresya; may kakayahan at karapatan sa paghalal ng pinunong-kaangkan ang mga
phylai. Ang salitang
lapi naman ay akmang-akma sa salin ng
phylum o
phylai sapagkat nangangahulugan itong "isang kapanalig sa loob ng isang partidong politikal". Sa larangan ng taksonomiya, kinakatawan ng mga lapi ang pinakamalaki at pinakakaraniwang kinikilalang pagbubuklod-buklod ng mga
hayop at iba pang mga nilalang na may-buhay, at may tiyak na mga katangiang pang-ebolusyonaryo, bagaman kung minsan maaaring ihanay ang mga mismong lapi sa mga
superlapi (
superphyla) (katulad ng
Ecdysozoa na may walong lapi, kabilang ang mga
arthropod at
bulating-bilog; at ang
Deuterostomia na kabilang ang mga
echinoderm,
chordate,
hemichordate at
bulating-pana) (
arrow worm).