Ang
mga banal na kapalaran (Ingles: mga
beatitude, mula sa
Lating beatus, may ibig sabihing "pinagpala" o "maligaya"), tinatawag rin bilang
mga kaginghawahan at
mga luwalhati o
mga kaluwalhatian, ay tumutukoy sa mga kataas-taasan at kabanal-banalang mga tuwa o kaligayahan ipinahayag at ipinangaral ni
Hesukristo ukol sa kung sino ang mga taong matatawag na mapapalad at mga pinagpala. Matatagpuan ang mga taludtod na nagbubunyag ng mga kaginghawahang ito sa
Bagong Tipan ng
Bibliya, sa
Pangaral ni Hesus sa Bundok,
Ang Pangangaral sa Bundok, o
Ang Sermon sa Bundok ng
Ebanghelyo ni Mateo (
Mateo 5:3-12, isang bahaging pinamagatang "Mga Mapapalad") at sa
Ebanghelyo ni Lukas (
Lukas 6:20-26, isang bahaging pinamagatang "Ang Mapalad at ang Kahabag-habag").