Ang
kalusugan ay maaaring maging negatibo ang kahulugan, bilang ang pagkawala ng sakit, gumagana bilang ang kakayahan na malabanan ang araw-araw na gawain, o sa positibong kahulugan, bilang maging husto at magaling (Blaxter 1990). Sa kahit anong
organismo, isang anyo ng hemeostasis ang kalusugan. Ito ang kalagayan ng pagiging matimbang, kasama ang mga pinapasok at nilalabas na mga
enerhiya at
materya (pinapahintulot ang paglago). Pinapahiwatig ng kalusugan ang magandang pagasa para sa patuloy na pagiging buhay. Sa mga nilalang na may kamalayan katulad ng mga tao, malawak ang kaisipan ng kalusugan. Binibigyan ng kahulugan ng
Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan ang
kalusugan bilang "isang kalagayan ng buong pangkatawan, pangkaisipan at panlipunang kagalingan, at hindi lamang binubuo ng pagkawala ng sakit o kahinaan."