Ang
kabisera (o
punong lungsod/bayan/munisip(
i)
yo o
kapital) ay ang pangunahing yunit pangheopolitika na naiuugnay sa
gobyerno at mga operasyon nito. Ito ay maaring lungsod na pisikal na sumasakop sa tanggapan at himpilan o pulungan ng mga nakaupo sa pwesto ng pamahalaan o alinsunod sa isinasaad ng batas. Ang ugat ng salitang ‘kapital’ ay hango sa
Latin na
caput na nangangahulugang “ulo” at naiuugnay sa katawagang ‘kapitol’ na siya namang gusali na pag-aari at kinagaganapan ng mga operasyong kaugnay o kinababahagian ng pamahalaan.