Ang
kabayo (
Ingles:
Horse ;
Equus caballus, kung minsan ay kinikilalang
subspecies ng mailap na kabayong
Equus ferus caballus) ay isang malaking ungulate na may di-karaniwang daliri sa paa na
mammal, isa sa sampung mga makabagong
species ng
genus na
Equus. Isa sa mga pinakamahalagang hayop sa larangan ng kabuhayan ang mga kabayo; kahit na ang kanilang kahalagahan ay bumaba dahil sa mekanisasyon, nakikita pa rin sila sa buong mundo, na nakatutulong sa buhay ng tao sa ilang mga paraan. Prominente ang kabayo sa
relihiyon,
mitolohiya at
sining; gumanap ito ng mahalagang papel sa
transportasyon,
agrikultura at
digmaan; pinagkukunan rin ito ng
pagkain, gatong at
damit.