Ang
grasya (Ingles:
grace,
mercy) ay ang pagpapakita o pagpapamalas ng pagmamahal o pag-ibig at kabutihang loob sa isang tao na hindi naman karapat-dapat na tumanggap nito. Ang grasyang mula sa
Diyos ang pinakagitna o "puso" ng mensahe ng
Bibliya, na nagpaparating na minamahal at inililigtas ng Diyos ang mga tao kahit na lumalaban sila sa kanya. Kasingkahulugan ito ng
kabaitan,
kabutihan,
kagandahang loob,
habag,
awa,
pang-unawa,
pabor,
tulong,
indulhensya,
patawad o
pagpapatawad,
bagay na hulog o dulot ng langit,
pagpapala,
pagkasi,
biyaya, o
pagkandili ng Diyos. Katumbas din ito ng
kabutihang loob,
kagandahang palad,
katighawan ng paghihirap,
luwag, at
klemensya. Nangangahulugan din itong pagtanggap ng kagandahang loob at kapatawaran na higit pa sa naaangkop o nararapat para sa isang tao. Kaugnay din ito ng salitang
benigno (
kagandahang-loob) na nangangahulugang
mabait,
nakabubuti,
mayumi,
maamo, may
maamong-loob,
mahabagin,
maawain, at
kaaya-aya. Tumutukoy din ang
grasya sa isang uri ng
dasal na paghingi ng biyaya o pagpapala ng Diyos bago kumain o panalangin ng pasasalamat sa Diyos pagkaraang makakain. Ang ganitong dalangin ay bahagi ng tradisyong
rabinikal na kailangan ayon sa
Deuteronomio 8:10 sa
Lumang Tipan ng
Bibliya. Inako ng sinaunang mga Kristiyano ang kaugaliang ito.