Ang salitang
babae ay tumutukoy sa mga sumusunod:
- babae, katawagang pangkasarian para sa mga kababaihan; ang katapat ng lalaking tao o hayop.
- Babae, pamagat ng isang pelikula
- babae, masama ang kahulugan; babaeng kalaguyo o kinakasama ng isang lalaking may asawa na (bukod sa tunay na asawang babae) o ng isang babaeng hindi pa ikinakasal; o kasintahan ng isang lesbya (babaeng kung kumilos ay parang lalaki)
- babae, katayuan, gulang o katangiang nakamit na ng isang dati ay bata pang babae (wala pa sa hustong gulang o karanasan); katulad ng kapag sinabi sa isang tao na: Babae ka na!
- Mga kaugnay na salita:
- kababaihan, mga babae o grupo ng mga babae (may asawa man o wala); katumbas ng salitang kadalagahan (mga dalaga: mga babaeng wala pang asawa)
- pambabae, mga bagay na ginagamit ng isang babae
- mambabae (gagawin pa lang) o nambababae (ginagawa na), masama ang kahulugan, isang gawain ng taong mahilig magkaroon ng mga kinakasamang mga babae
- pagkababae, mga katangian ng isang tunay na babae; o tumutukoy sa kasangkapang pangkasarian o pagkakaroon ng puri, dangal at kalinisan ng isang babae
- nakababae o nagkababae, nagkaanak ng babae; nagkaanak uli ng babae
- nakababae, nakalamang sa isang kapwa babae
- nakababae o nagkababae nakakuha ng isang kasama o kasintahang babae ang isang lalaki o lesbya