Ang
isotopo (bigkas /aysotowp/; mula sa Ingles na
isotope ay dalawa o mahigit pang
atomo ng iisang
elemento na may parehong
atomikong bilang ngunit may magkakaibang
bilang ng masa. Magkakatulad ang bilang ng kanilang
proton at
elektron. Gayumpaman, ang kanilang
neutron ay magkakaiba. Halimbawa: ang Karbon-12, Karbon-13 at Karbon-14 ay pare-parehong isotopo ng
Karbon, pare-parehong may numerong atomikong 6, gayumpaman iba-iba ang kanilang bilang ng masa sapagkat ang kanilang mga neutron ay iba-iba ang bilang. Anim sa Karbon-12, pito sa Karbon-13 samantalang walo naman sa Karbon-14. Nanggaling ang salitang
isotope, nangangahulugang
sa kaparehong lugar, mula sa katotohanan na matatagpuan ang mga isotopo sa kaparehong lugar sa
talaang peryodiko. Ang mga katangiang kemikal ng iba't ibang mga isotopo ng isang elemento ay magkatulad ngunit ang mga ito ay kadalasang may malaking mga pagkakaiba sa pagiging matatag ng nukleyus. Para sa mga matatag na mga isotopo ng mga magaang na elemento, ang bilang ng mga neutron ay halos magkatumbas sa bilang ng mga proton ngunit ang isang lumalaking kahigitan ng neutron ay katangian ng mga matatag na mga mabigat na elemento.