Ang mga
Ichthyosauro (Griyego para sa "isdang butiki") ay mga higanteng pangdagat na
reptilya na kamukha ng mga
dolphin sa isang halimbawa sa aklat pampaaralan ng
ebolusyong konberhente. Ang mga ichthyosauro ay yumabong sa halos era na
Mesosoiko. Batay sa ebidensiyang fossil, ang mga ito ay unang lumitaw mga 245 milyong taon ang nakalilipas at naglaho sa fossil rekord mga 90 milyong taon ang nakalilipas mga 25 milyong taon bago ang paglaho o ekstinksiyon ng mga
dinosauro. Sa panahong Gitnang
Triasiko, ang mga ichthyosauro ay nag-
ebolb mula sa hindi pa natutukoy na mga reptilyang pang-lupain na muling lumipat sa pamumuhay pantubig sa isang pag-unlad na kahilera ng mga ninuno ng kasalukuyang mga dolphin at
balyena. Ang mga ito ay partikular na sagana sa panahong
Hurasiko hanggang sa mapalitan bilang mga nangungnang mga maninila sa tubig ng isa pang order ng reptilya na
plesiosauro sa panahong
Kretaseyoso. Ang mga ito ay kabilang sa order na
Ichthyosauria o
Ichthyopterygia.