Ang
henetika (mula sa
Griyegong genetikos, o "pinagmulan") ay ang
agham ng henes o hene
(gene, genes),
pamanang katangian at pagkakaiba-iba ng mga organismo. Ang katagang “henetika” ay unang iminungkahi upang ipaliwanag ang pag-aaral ng mga namamanang katangian at ng agham ng pagkakaiba-iba ng mga organismo ng bantog na Britanyong siyentipiko na si William Bateson sa kanyang liham kay Adam Sedgwick na may petsang ika-18 ng Abril 1905. Unang ginamit ni Bateson ang katagang “henetika” sa publiko noong 1906 sa na naganap sa (
Londres,
Ingglatera).