Sa
anatomiya ng tao, ang
gulugod o
butong panlikod o
kolumnang pangbertebrado ay isang kolumna na binubuo ng 24 na mga nag-aartikulang mga
bertebra at 9 na magkakadugtong na bertebra sa sakrum at kosiks (
coccyx). Ito ay matatagpuan sa likurang (dorsal) bahagi ng torso(punong-katawan) na inihihiwalay ng mga diskong inbertebral. Ibinabahay nito ang
kordong espinal sa
kanal na espinal nito. Kilala rin ang gulugod bilang
balugbog, o
tayudtod (huwag ikalito sa
taludtod). Tinatawag na
kuyukot ang dulo ng bertebrang nasa may
puwitan.