Ang
Grabitasyon o
Grabidad(
Ingles:
gravity) ay isang natural na
phenomenon kung saan ang mga pisikal na katawan(bodies) ay nabibighani o naaakit sa isang pwersang
proporsiyonal sa mga
masa nito. Ang grabitasyon ay pinakapamilyar na ahente na nagbibigay ng timbang sa mga bagay na may
masa at nagsasanhi sa mga ito na bumagsak sa lupa kapat ito ay nahulog. Ito ay nagsasanhi sa mga nakakalat na mga bagay para magtipon at kaya ay nagpapaliwanag ng pag-iral, pagkakabuo at hugis ng mga bagay sa kalawakan kabilang ang mga planeta gaya ng
mundo, mga bituin gaya ng
araw, at iba pang mga katawang makroskopiko na makikita sa
uniberso. Ang "
grabitasyon" ang sanhi ng: pagkakapanatili ng mundo at ng ibang mga
planeta ng
sistemang solar sa mga
orbito nito sa araw, pananatili ng
buwan sa orbito nito sa mundo, sa pagkakaroon ng mga agos at pagtaas at pagbaba ng antas ng tubig (pagkati at paglaki ng tubig), sa
kumbeksyon (
convection; kung saan umaangat ang mga maiinit na pluido sa pamamagitan nito), sa pagpapa-init ng mga panloob ng mga nabubuong mga
bituin at mga planeta magpahanggang sa mga labis na pinakamataas na mga antas ng temperatura at marami pang ibang mga phenomena. Ang grabitasyon ay inilalarawan ng
pangkalahatang relatibidad bilang kurbada o pagbaluktot ng
espasyo-panahon na nangangasiwa ng mosyon ng mga bagay na
inersiyal. Ang mas simpleng batas ng grabitasyon ni
Newton ay nagbibigay ng isang tumpak na aproksimasyon para sa karamihan ng mga pisikal na sitwasyon. Ang grabitasyon ay isa sa
apat na pundamental na interaksiyon ng
kalikasan. Ang iba ay ang
elektromagnetismo,
malakas na interaksiyon at
mahinang interaksiyon. Ito ay mas mahina kung ihahambing sa tatlo pang pangunahing lakas, datapwa't mas malayo ang nasasakop nito.