Ang
glukosamina o
glukosamin, kilala at binabaybay sa Ingles bilang
glucosamine at sa Kastila bilang
glucosamina (C
6H
13NO
5) ay isang aminong asukal at isang prominenteng prekursor sa biyokemikal na sintesis ng glikolisadong mga
protina at mga lipida. Bahagi ang glukosamina ng kayarian ng mga polisakaridang tsitosan at tsitin, na bumubuo sa mga eksoskeleton ng mga
krustasyo at iba pang mga artropod, mga dingding ng mga selula sa loob ng mga
punggus at maraming mas matataas na mga organismo. Isa sa pinaka saganang monosakarida ang glukosamina. Komersiyal na nakakagawa nito sa pamamagitan ng hidrolisis ng krustasyong mga eksoskeleton o, hindi gaanong pangkaraniwan, sa pamamagitan ng permentasyon ng isang granong katulad ng
mais o
trigo. Sa
Estados Unidos, ito ang isa sa pinaka pangkaraniwang ginagamit na hindi bitamina, hindi mineral, at likas na produktong ginagamit ng mga adulto bilang isang kumplementaryo o alternatibong gamot.