Ang
bakterya (Ingles:
bacteria [
maramihan] o
bacterium [
isahan]) ay isa sa mga pangunahing grupo ng mga nabubuhay na mga
organismo. Sa iba't ibang paglalapat, tumutukoy ang katagang bakterya sa lahat ng mga
prokaryote o sa isang pangunahing pangkat nila, o dili kaya ang tinatawag na
eubakterya (
eubacteria), depende sa mga kaisipan tungkol sa mga pagkaugnay nito. Dito, ginagamit ang bakterya upang tukuyin ang yubakterya. Isa pang pangunahing pangkat ng bakterya (hindi ginagamit sa malawak, hindi taksonomikong kaisipan) ang
Archaea.
Bakteriyolohiya, isang sangay ng
mikrobiyolohiya, ang tawag sa pag-aaral mga bakterya. Makikita ang mga bakterya sa lahat ng mga
tinitirhan sa
Mundo, tulad ng sa lupa, asidik na mainit na tubig, basurang radyoaktib, tubig, at sa kailaliman ng Krust ng mundo, kasama na rin ang mga organikong bagay at mga buhay na katawan ng mga halaman at mga hayop, na nagiging isang halimbawa ng mutwalismo sa
sistemang panunaw ng mga tao, anay at mga ipis. Mayroong apatnapung milyong selula ng bakterya sa isang gramo ng lupa at isang milyong selula ng bakterya sa isang milimetro ng malinis na tubig; sa pangkalahatan, mayroong tinatansyang limang nonilyong (5×10
30) bakterya sa mundo, na bumubuo ng isang biyomas na humihigit sa bilang ng lahat ng mga halaman at hayop.