Ang
etnosentrismo ay ang pagkakaroon ng paniniwalang pinakamahalaga at higit na nakatataas o nakaaangat ang isang lipi o lahi kaysa iba pa. Sa ganitong paniniwala, nangingibabaw at namamalagi ang damdamin ng pagpapahalaga sa sariling lahi, maaaring sa ilan o sa lahat ng aspeto ng nasabing lipi. Sa loob ng
ideolohiyang ito, maaaring husgahan ng mga indibidwal ang ibang mga pangkat kaugnay ng kanilang sariling grupong etniko o kalinangan, partikular na ang sa
wika, ugali, gawi, at
relihiyon. Nagsisilbing panglarawan o pambigay kahulugan ang ganitong kaibahang etniko at mga kabahaging kahatian sa namumukod-tanging pagkakakilanlan ng kalinangan ng bawat
etnisidad.