Ang
estadistika (mula sa Aleman
Statistik (mula sa Latin
statisticum), Ingles:
statistics, Espanyol
estadística, Lumang Tagalog
palautatan) ang pag-aaral ng pagtitipon, pagsasaayos, analisis o pagsisiyasat, pagbibigay kahulugan at pagtatanghal ng mga
datos (o
data). Ito ay umuukol sa lahat ng mga aspeto nito kabilang ang pagpaplano ng koleksiyon ng datos ayon sa disenyo ng estadistikal na survey at mga disenyong eksperimental. Ang isang
estadistiko (
statistician) ay partikular na mahusay na maaalam sa mga paraan ng pag-iisip na kailangan para sa matagumpay na aplikasyon ng analisis na estadistikal. Ang gayong mga tao ay kadalasang nagkakamit ng karanasan sa pamamagitan ng paggawa sa anuman sa mga malawak na larangan. Mayroon ding isang disiplinang tinatawag na estadistikang matematikal na nag-aaral ng estadistika ng
matematikal. Ang salitang
statitics kapag tinutukoy sa disiplinang pang-agham ay singular gaya ng sa "Statistics is an art." Ito ay hindi dapat ikalito sa salitang
statistic na tumutukoy sa isang kantidad gaya ng
mean o median na kinwenta mula sa isang hanay ng datos na ang plural ay
statistics.