Sa larangan ng
biolohiya, ang
espesye (mula sa Kastilang
especie; Ingles:
species), na tinatawag ding
uri kung minsan, ay isa sa mga pinakapayak na pangkat sa kahanayang para sa mga nilikhang may-buhay at isang antas ng pagkakapangkat-pangkat. Kadalasang ipinakakahulugan na isa itong lipon ng mga
organismo na may kakayahang makipagtalik sa isang kalahi at nakapagsisilang ng
supling na maaari ring magka-anak. Bagaman sapat na ang kahulugang ito para sa karamihan ng mga kaso, mayroong mas tumpak at naiibang pamamaraan na madalas ding gamitin, katulad ng paghahambing kung magkatulad ang mga pagsusuri ng
DNA o
morpolohiya. Maaari pa ring mahati ang mga uri sa mga
subespesye ayon sa pagkakaroon ng mga tiyakan, mapantukoy, at namanang katutubong katangian.