Sa pisika, ang
espasyo-panahon (sa Ingles ay
spacetime, space-time o
space time) ay anumang matematikong modelo ng pinagsasamang espasyo at panahon sa isang solong continuum. Ang espasyo-panahon ay karaniwang pinakakahulugang pinagsamang espasyo ng tatlong dimensyon at panahon kung saan ang panahon ang ika-apat na dimensyon. Ayon sa ilang mga persepsiyong Euclidean ng espasyo, ang
uniberso ay may tatlong mga sukat ng espasyo at isang sukat ng panahon. Sa pamamagitan ng pagsasama ng espasyo at panahon sa isang
manipoldo, pinasimple ng mga pisiko ang paglalarawan ng maraming teoryang pisikal, gayundin ang paglalarawan ng paggalaw ng uniberso sa paraang pare pareho sa antas supergalaktiko at subatomiko.