Sa
pisika, ang
enerhiya (mula sa
Griyego -
energeia, "aktibidad, operasyon", mula sa -
energos, "aktibo, gumagana") o
lakas ay isang eskalar na pisikal na dami na naglalarawan ng halaga ng gawa na maaaring gawin sa pamamagitan ng
puwersa. Katangian ng mga bagay at kaparaanan ang enerhiya na nasasaklaw ng batas ng pangangalaga (
law of conservation). May ilang mga iba't ibang mga anyo ng enerhiya na kayang magpaliwanag sa mga kilalang likas na pangyayari. Kabilang (ngunit hindi limitado) sa mga anyo ng enerhiya ang enerhiyang kinetiko, potensyal, init,
grabitasyonal, tunog,
liwanag, nababanat, at elektromagnetiko. Kadalasang binibigyan ng pangalan ang uri sa kaugnay na puwersa nito.