Ang
edukasyong elementaryo,
edukasyong elementarya,
edukasyong pangmababang baitang,
edukasyong panimula,
edukasyong pansimula, o
edukasyong primarya (Ingles:
primary education,
elementary education) ay ang unang hakbang ng edukasyong kompulsoryo ("edukasyong sapilitan", "edukasyong dapat daluhan", o "edukasyong obligado") na karaniwang natatanggap magmula sa
mababang paaralan o paaralang primarya. Nauuna sa edukasyong elementarya ang edukasyong pre-iskul o edukasyong narseri. Kasunod ng edukasyong elementaryo ang
edukasyong sekundaryo. Sa bansang katulad ng
Estados Unidos, kasunod ng edukasyong elementaryo ang
paaralang panggitna o
middle school.