Sa
biyolohiya at
ekolohiya, ang
extinction (o
ekstinsyon na mula sa Espnayol na
extinción) ang wakas ng isang organismo o isang pangkat ng mga organismo(
taxon) na normal na isang
species. Ang sandali ng ekstinksiyon ay itinuturing na kamatayan ng huling indibidwal ng species bagaman ang kakayahan na magparawi at makaahon ay nawala na bago pa ang puntong ito. Dahil ang potensiyal na saklaw ng mga species ay maaaring napakalaki, ang pagtukoy sa sandaling ito ay mahirap at karaniwang isinasagawa ng retrospektibo. Ang kahirapang ito ay humahantong sa phenomena gaya ng Lazarus taxa kung saan ang isang species na ipinagpalagay na namatay ay biglaang "muling lumitaw"(tipikal sa
fossil record) pagkatapos ng isang maliwanag na kawalan nito. Sa pamamagitan ng
ebolusyon, ang bagong species ay lumilitaw sa pamamagitan ng proseso ng
speciation kung saan ang mga bagong uri ng mga organismo ay lumilitaw at yumayabong kapag nagawa nilang mahanap at magamit ang isang ekolohikal na niche. Ang isang species ay nagiging extinct kapag hindi na sila makapagpatuloy na mabuhay sa mga nagbabagong kondisyon o laban sa superyor na kompetisyon. Ang isang tipikal na species ay nagiging extinct sa loob ng 10 milyong taon pagkatapos ng unang paglitaw nito bagaman ang ilang mga species na tinatawag na mga buhay na fossil ay patuloy na nabubuhay ng halos walang mga pagbabago sa
morpolohiya sa loob ng mga daan daang milyong mga taon. Ang karamihan ng mga ekstinksiyon ay nangyari ng natural bago ang paglitaw ng
Homo sapiens sa mundo. Tinatayang ang 99.9% ng lahat ng species na umiral ay extinct na ngayon. of all species that have ever existed are now extinct. Ang mga mga ekstinksiyong pangmasa ay relatibong mga bihirang pangyayari. Gayunpaman, ang mga hiwalay na ekstinksiyon ay napakakaraniwan. Sa kamakailan lamang na ang mga ekstinksiyon ay naitala at ang mga siyentipiko ay naalarma sa mataas na rate ng mga kamakailang ekstinksiyon. Most species that become extinct are never scientifically documented. Some scientists estimate that up to half of presently existing species may become extinct by 2100.