Ang
ekolohiya (
ecology) o
araling pangkapaligiran ay isang sangay ng
agham na nag-aaral sa pagkabaha-bahagi at kasaganaan ng mga bagay na may
buhay, at ang kanilang interaksyon sa kanilang kapaligiran. Kinabibilangan sa kanilang kapaligiran ang pisikal na habitat o tirahan, na maaaring isalarawan bilang kabuuang lokal na sangkap ng mga bagay na walang buhay katulad ng
klima at
heolohiya, at iba pang may buhay na nakikibahagi sa kanilang habitat. Ang Alemang biyolohista na si
Ernst Haeckel ang nagbansag sa salitang ekolohiya noong
1866. Mula ito sa salitang
Griyego na
oikos na nangangahulugang "sambayanan" at
logos na nangangahulugang "agham" ang "pag-aaral ng sambayanan ng kalikasan".