Ang
dopamino(Ingles:
dopamine) ay isang catecholaminikong
neurotransmitter na umiiral sa malawak na uri ng mga
hayop kabilang ang mga
bertebrado at
inbertebrado. Sa
utak, ang hinaliling phenethylamine na ito ay nagsisilbing
neurotransmitter na nagpapagana(activate) ng limang alam na uri ng mga reseptor ng dopamino na D
1, D
2, D
3, D
4, at D
5—at mga barianto(uri) nito. Ang dopamino ay nalilikha sa ilang mga area ng utak kabilang ang
substantia nigra at bentral tegmental area. Ang dopamino ay isa ring neurohormone na inilalabas ng hypothalamus. Ang pangunahing tungkulin nito bilang isang hormone ay pigilan ang paglabas ng prolactin mula sa anterior na lobo(lobe) ng
glandong pituitaryo.