Ang
Domestikasyon ay isang proseso kung saan ang isang
populasyon ng mga
hayop o
halaman ay nabago sa lebel na
henetiko sa isang proseso ng seleksiyon upang palakasin ang mga katangian na magiging kapakinabangan sa mga tao. Ang domestikasyon ay iba sa
pagpapaamo sa dahilang sa domestikasyon, ang pagbabago sa ekspresyong
penotipo at
henotipo ng hayop ay nangyayari samantalang ang pagpapaamo ay simpleng proseso kung saan ang mga hayop ay nasanay sa presensiya ng tao. Sa Konbensiyon ng Dibersidad na Biolohiko, ang isang domestikadong espesye ay inilalarawan bilang "
isang epesye na ang prosesong ebolusyonaryo ay naimpluwensiyahan ng mga tao upang matagpo ang mga pangangailangan nito". Kaya ang naglalarawang katangian ng domestikasyon ay ang
artipisyal na seleksiyon nito ng mga tao. Nadala ng mga tao ang mga populasyong hayop na ito sa ilalim ng kontrol at pangangalaga nito sa malawak na mga dahilan: upang mag prodyus ng
pagkain o mahahalagang mga komoditad(gaya ng
lana,
bulak,
silk), para tumulong sa iba't ibang mga uri ng paggawa(gaya ng pagiging sasakyan, proteksiyon at para sa digmaan), pagsasaliksik siyentipiko o simpleng bilang kasama o bilang palamuti. Sa paglipas ng libo libong mga taon, ang maraming mga domestikadong espesye ay naging buong hindi katulad ng mga natural na ninuno nito. Ang tenga ng mais ay dosenang mga beses na ngayon ng sukat ng mga ligaw na ninuno nitong teosinte. Ang isang parehong pagbabago ay nagbago sa ligaw na mga strawberry at domestikadong strawberry.