Ang
diyos (Ingles:
god) ay may iba't ibang kahulugan. Sa teismo, ang diyos ay naiisip na
supernatural na personal at aktibo sa
uniberso. Sa
deismo, ang diyos ay hindi aktibo sa uniberso. Sa panteismo, ang diyos ang mismong uniberso. Ang mga teologo sa buong kasaysayan ay nag-imbento ng iba't ibang katangian sa iba't ibang mga konsepsiyon ng diyos. Ang pinakaraniwan sa mga ito ang katangiang kinabibilangan ng omnisiyensiya (walang hanggang kaalaman o alam ang lahat ng bagay), omnipotensiya (walang hanggang kapangyarihan o magagawa ang lahat ng bagay), omnipresensiya (umiiral sa lahat ng lugar), omnibenebolensiya (sakdal sa kabutihan), at walang hanggan at kinakailangang pag-iral. Para sa mga Abrahamikong relihiyon, ang diyos ay karaniwang inilalarawan bilang may kasariang panlalake at inilalarawan bilang
Ama samantalang para sa ibang relihiyon, ang diyos ay maaaring kinabibilangan ng mga lalake (diyos) at babae (diyosa). Ang
diyos ay naiisip sa iba't ibang
relihiyon na makapangyarihan,
sinasamba, tinuturing na
banal o
sagrado, binibigyan ng mataas na pagkilala, o ginagalang ng mga
tao.