Ang
diplomasya ay isang
sining at pagsasanay ng pangangasiwa ng mga negosasyon sa pagitan ng mga kinatawan ng mga pangkat o mga
estado. Kadalasang tumutukoy ito sa internasyunal na diplomasya, ang pangangasiwa ng internasyunal na ugnayan sa pamamagitan ng mga propresyunal na mga diplomatiko kasama ang pagsaalang-alang sa mga usapin ng paggawa ng kapayapaan, kalakalan,
digmaan,
ekonomika at
kultura. Kadalasan may mga internasyunal na mga kasunduan ang inareglo muna ng mga diplomatiko bago ang pagtitibay ng pambansang mga politiko.