Ang mga
dinosauro (
Ingles:
dinosaur, pangalang pang-agham:
Dinosauria) ay mga sinaunang
reptilya o
butiking namuhay noong matagal nang panahon ang nakalilipas. Nagmula ang pangalang
dinosauro mula sa isang salitang
Griyegong nangangahulugang "nakapanghihilakbot na butiki". Naniniwala ang mga dalubhasa sa agham na unang lumitaw ang mga dinosauro noong mga 230
milyong taon na ang nakararaan. Noong 65 milyong taon sa nakaraan, naglaho ang mga dinosauro. Kung minsan, itinuturing na mga inapo ng mga dinosauro ang mga
ibon.