Ang
dasal (mula sa
Kastilang rezar),
dasalin,
dalangin,
panalangin o
orasyon ay ang mga salita, kataga, pangungusap o kahilingang sinasambit ng taimtim o bantad upang humingi ng tulong mula sa diyos o may-kapal o anumang pinaniniwalaang mataas at makapangyarihang nilalang. May mga dasal ang bawat
relihiyon at
mamamayan. Kung susuriing mabuti, sinasabi na may pagkakaiba ang
dasal mula sa isang
panalangin. Na ang pananalangin ay hindi pinaghandaan at biglaan ang pagkakasambit ng mga pangungusap, samantalang ang dasal naman ay mga tinandaang mga pangungusap na inaalay sa Diyos.