Ang
biyolohiya ay isang
natural na agham na nauukol sa pag-aaral ng
buhay at mga nabubuhay na
organismo kabilang ang kanilang istruktura, mga tungkulin, paglago,
ebolusyon, distribusyon at
taksonomiya. Ang biyolohiya ay may maraming mga subdisiplina na pinagkakaisa ng limang mga tinatawag na
aksiyoma ng modernong biyolohiya:
- Ang mga selula ang mga basikong unit ng buhay
- Ang mga gene ang mga basikong unit ng pagmamana ng katangian
- Ang mga bagong species at ang mga namamanang mga katangian ay mga produkto ng ebolusyon
- Ang isang organismo ay nagreregula ng panloob na kapaligiran nito upang panatilihin ang isang matatag at hindi nagbabagong kondisyon
- Ang mga nabubuhay na organismo ay kumokonsumo at nagbabago ng enerhiya