Ang
biyokimika ay pag-aaral ng kimika ng buhay. Ito ang
agham na nagtutulay sa pagitan ng
biyolohiya at
kimika na nag-aaral kung papaano nagkaroon ng buhay mula sa kumplikadong pagsasanib ng mga
kimikal. Ito ay isang sanga ng kimika na tumututok sa mga prosesong kimikal ng mga may buhay. Ang artikulong ito ay tumatalakay lamang sa biyokimika sa
Daigdig (na base sa carbon at
tubig) na ang lahat ng may buhay sa mundo ito. Pinaniniwalaan na ang lahat ng may buhay sa ating mundo ay galing sa iisang ninuno. Ang lahat raw ng may buhay ay magkakakatulad ng kanilang biyokimika kahit na sa rabaw ay parang arbitraryo ito tulad ng henetikong kodigo (
genetic code) o kiling (
handedness) ng maraming biyomolekula. Sa kasalukuyan, hindi pa alam kung ang ibang biyokimika na gumagamit ng ibang sangkap ay posible o praktikal.