- Para sa ibang gamit ng menudo, tingnan ang menudo (paglilinaw).
Sa larangan ng
anatomiya, ang
bituka ay isang bahagi ng pitak na pang-alimentaryo na sumasakop mula sa
tiyan (
stomach) hanggang sa
butas ng puwit (
anus) at, sa mga tao at iba pang mamalya, binubuo ito ng dalawang maliit na bahagi o segmento, ang
maliit na bituka at ang
malaking bituka. Habang tinutunaw ang pagkain, dumaraan ang kinain mula sa tiyan papunta sa maliit na bituka at pagkaraan ay sa malaking bituka naman. Sa mga tao, mas hinati-hati pa sa iba pang bahagi ang maliit na bituka: ang
duodenum, ang
jejunum at
ileum; habang hinati-hati ang ang malaking bituka sa mga bahaging
cecum at
colon. Tinatawag ding
menudo o
minudo ang mga bituka ng hayop.