Ang
buhok (
Ingles:
hair) ay mga mahahabang hibla ng
balahibo na matatagpuan sa ibabaw ng ulo ng
tao at maging sa balat ng mga ito. Mayroon ding buhok ang mga
hayop katulad ng
ibon (Ingles:
feather),
baboy at
unggoy ngunit kadalasang balahibo ang tawag dito sa halip na buhok.
Balbon,
mabuhok o
mabalahibo ang tawag sa isang taong maraming balahibo o buhok sa katawan.
Bigote (Ingles:
moustache o
mustache) ang tawag sa buhok sa ibabaw ng pang-itaas na
labi, maging sa
piltrum, ng tao, samantalang
balbas (Ingles:
beard) naman ang tumutukoy sa mga buhok na tumutubo sa paligid ng bibig kabilang na ang bigote. Tinatawag ding
misay ang bigote o balbas.
Balbasarado ang tawag sa isang taong may balbas, samantalang
bigotilyo naman ang may bigote (
bigotilya kung babae, bagaman hindi ito pangkaraniwan).
Bulbol naman ang karaniwang tawag sa buhok sa may
kili-kili at iyong nakapalibot sa
kasangkapang pangkasarian ng tao o hayop.