Ang
vacuum (literal na "walang laman") o
basyo ay isang lugar na walang kalaman-laman o hindi kinapapalooban ng anumang mga bagay. Ang salitang
vacuum ay nag-ugat magmula sa
pang-uri ng
Latin na
vacuus na may kahulugang "walang laman" o "bakante"; o mula rin sa Latin na
vacivus na gayon din ang kahulugan). Ang
tunog ay hindi makakagalaw sa loob ng isang bakyum. Ang
mas panlabas na puwang o kalawakan (na sa Ingles ay
outer space) ay hindi isang perpektong bakyum o hindi isang pook na wala talagang laman, dahil sa mayroon itong napaka malililiit na bilang ng mga
partikulo. Ang
vacuum cleaner, isang panlinis na humihigop ng dumi sa pamamagitan ng "kawalan ng laman" ng sisidlang nitong nasa loob nito, ay isang aparatong naglilinis ng mga dumi magmula sa mga sahig. Kung minsan tinatawag lamang itong
vacuum. Ang mga "sisidlan ng bakyum", literal na mga "silid na walang laman", o mga
vacuum chamber ay ginagamit din sa maraming mga eksperimento sa larangan ng
pisika na kinasasangkutan ng mga kapaligirang walang
materya.