Ang
atmospero,
atmospera, o
panganorin ay ang "kapisanan ng mga
hangin at ng sari-saring mga singaw ng panahon na nakaliligid sa sangdaigdig hanggang sa sanggayong lawak". Tinatawag din itong
himpapawid,
agay-ay,
alangaang, o
kahanginan dahil ito ang hangin na bumabalot sa
daigdig. Nagmula ang salitang
atmospera sa
wikang Griyego na binubuo ng mga salitang ἀτμός -
atmos, "singaw" at σφαῖρα -
sphaira, "bilog" o "timbulog"). Isang sapin ng mga
gas o mga singaw (mga hangin) ang atmospera na maaaring pumaligid sa isang katawang materyal na may sapat na
masa sa pamamagitan ng
grabidad ng katawang iyon, at napapanatili sa loob ng matagal na panahon kapag mataas ang grabidad at mababa ang temperatura ng atmospera. May ilang mga
planeta ang pangunahing naglalaman lamang ng sari-saring mga gas o singaw, subalit tanging ang kanilang panlabas na sapin o patong (balot) lamang ang tinatawag na atmospera nila (tingnan ang mga
higanteng gas).