Ang
astrolohiya ay ang pag-aaral ng mga
bituin upang makita at malaman ang maaaring mangyari o magaganap sa hinaharap. Tumutukoy ito sa ilang mga sistema,
tradisyon o
paniniwala na ang kaalaman ng maliwanag na posisyon ng mga bagay sa kalangitan ay pinanghahawakang makabuluhan sa pag-unawa, pagkahulugan, at pag-ayos ng kaalaman tungkol sa mga gawaing pantao at mga pangyayari sa daigdig. Tinatawag ang nagsasanay sa astrolohiya bilang
astrologo (nagiging
astrologa kung babae) o, hindi gaanong madalas na ginagamit,
astrolohista.