Ang mga
Arkosauro (Ingles:
Archosaurs) ay isang pangkat ng mga
diapsidang mga
amniota na ang mga nabubuhay na representatibo nito ay kinabibilangan ng mga
ibon at mga
crocodilia. Ang pangkat na ito ay kinabibilangan rin ng lahat ng mga enkstinkt na hindi-ibong mga
dinosauro, maraming mga ekstinkt na mga kamag-anak ng crocodilia at mga
pterosauro. Ang
Archosauria na kladong arkosauro ay isang koronang pangkat na kinabibilangan ng pinakakamakailang karaniwang ninuno ng mga nabubuhay na mga
ibon at
crocodilia. Ito ay kinabibilangan ng dalawang mga pangunahing klado: ang Pseudosuchia na kinabibilangan ng mga crocodilia at mga ekstinkt na kamag-anak nito at ang Avemetatarsalia na kinabibilangan ng mga ibon at mga ekstinkt na kamag-anak nito(gaya ng mga
dinosauro at mga
pterosauro).